21.1 C
Baguio City
Wednesday, November 20, 2024
spot_img

2 patay, 24 pamilya at 79 indibidwal apektado sa sunog sa Orani, Bataan

Isang sunog ang naganap sa Barangay Pacar, Orani, Bataan nito lamang ika-8 ng Augusto 2022 kung saan dalawa ang patay, 24 pamilya at 79 indibidwal ang apektado.

Batay sa datos mula sa DSWD Provincial Extension Office ng Bataan, sampung kabahayan ang tuluyang natupok ng sunog at walong bahay ang bahagyang nasunog sa naitalang insidente.

Agad naman rumesponde ang Department of Social Welfare and Development Field Office III, ang Quick Response Team sa DPEO Bataan upang magsagawa ng validation at assessment sa mga pangangailangan ng mga apektadong pamilya upang tiyak at agaran na maipaabot ang paunang tulong na kinakailangan ng mga nasunugang pamilya.

Agaran din na nagsagawa ang ahensya ng relief operation para sa mga pamilya at indibidwal na lubhang naapektuhan ng sunog.

40 Family Food Packs, 20 Hygiene Kits, 20 Family Kits, 20 Sleeping kits at Php10,000 ang natanggap ng 20 apektadong pamilya.

Umabot naman sa Php312,118 ang halaga ng paunang tulong na ipinaabot ng DSWD FO III para sa mga biktima at nakalikom din ng Php482,450 dagdag tulong mula sa Lokal na Pamahalaan ng Orani, iba’t ibang indibidwal at organisasyon.

Ayon kay Assistant Regional Director for Operations at concurrent Chief ng Disaster Response Management Division na si Ms. Venus F. Rebuldela, muling magbabalik ang mga kinatawan ng DSWD bukas upang magsilbi at magpaabot ng tulong sa apat pang pamilya na apektado ng sunog sa Orani, Bataan.

Patuloy pa din na nakaantabay ang DSWD FOIII para sa mga karagdagang pangangailangan ng mga pamilyang nawalan ng tirahan at lubhang naapektuhan ng sunog.

Source: DSWD Central Luzon

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles