Matagumpay ang isinagawang tree planting activity ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na naganap nito lamang Agosto 4, 2022 sa Sitio Calbaryo, Brgy. San Juan, Sta. Praxedes, Cagayan.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Municipal Environmental and Natural Resources Office ng Sta. Praxedes katuwang ang 17th Infantry Battalion, Philippine Army, Sta. Praxedes Municipal Police Station at 203rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 2.
Umabot sa 150 narra at 30 guyabano seedlings ang naitanim ng grupo sa nabanggit na lugar.
Pinasalamatan naman ni Ms. Rona Pagdilao ng MENRO ang mga miyembro ng Valley Cops, at ang kasundaluhan sa patuloy na pagsuporta sa kanilang programa at pagsasagawa ng mga tree planting activities na lubhang nakakatulong sa paglaban sa kasalukuyang problema sa climate change hindi lamang sa probinsya kundi sa buong bansa.