Nagsagawa ang Department of Agrarian Reform Field Office 3 – Agribusiness and Marketing Assistance Division ng tatlong araw na workshop tungkol sa Updating Cost Structure of Provincial Priority Commodities ng Gitnang Luzon nitong ika-3 ng Agosto sa OGH, Angeles City, Pampanga.
Ito ay tatlong araw na workshop na may layuning talakayin ang daloy ng kalakalan, gastos at pagpepresyo ng manok, baboy at iba’t ibang uri ng high value crops na binibigyang prayoridad ng bawat probinsya sa Gitnang Luzon.
Dinaluhan ito ni Regional Technical Director for Operations and Extension, at Agribusiness Marketing Dr. Eduardo Lapuz Jr. kasama sina Supervising Agriculturist Maricel Dullas, Market Specialist III Charito Libut, Agriculturist II Jinky Ciriaco at mga Provincial Coordinators ng Agribusiness, Livestock at High Value Crops.
Sa mensahe ni RTD Lapuz, kaniyang inihayag kung gaano kahalaga at napapanahon ang workshop na ito, alinsunod sa patuloy na pagtaas at pagdoble sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa rehiyon.
Dagdag pa rito, nagpasalamat din si RTD Lapuz sa mga naglaan ng oras para sa aktibidad na ito.
Hinikayat din nito ang bawat isa na magtulungan upang magkaroon ng magandang output na magagamit sa pagpaplano upang makamit ang minimithing sapat at abot-kayang pagkain.
Source: Department of Agriculture Central Luzon