23.6 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Php340K halaga ng livelihood assistance mula DSWD 2, natanggap ng 17 Former Rebels sa Cagayan

Nakatanggap ng Php340,000 halaga ng livelihood assistance mula sa Department of Social Welfare and Development Region 2 ang 17 former rebels nitong Martes, Agosto 2, 2022 sa Baggao, Cagayan.

Pormal nang ibinigay ng DWSD Region 2 sa pakikipagtulungan ng 77th Infantry Battalion, Philippine Army ang Php20,000 bawat isa sa mga nagbalik-loob na rebelde bilang kanilang puhunan sa negosyong nais nilang simulan.

Pasasalamat naman ang naging tugon ng mga benipisyaryo sa tulong at patnubay na patuloy nilang natatanggap mula sa gobyerno.

Bago ang pagtanggap nila ng tulong na ito, sumailalim sila sa mga livelihood seminar sa rice/corn farming, hog raising, goat raising, fish production, buy and sell, at sari-sari store management.

Samantala, nagpasalamat naman si Lieutenant Colonel Magtangol G Panopio, Battalion Commander ng 77th Infantry Battalion, Philippine Army sa DSWD 2 sa kanilang pagtulong sa muling pagbabalik sa komunidad ng mga dating rebelde.

Hinikayat din niya ang mga natitira pang mga miyembro ng Communist Terrorist Group na ibaba na ang kanilang mga armas at sumuko na sa pamahalaan. Aniya, bukas-palad ang gobyerno na tulungan sila sa kanilang pagsisimula ng isang tahimik at bagong buhay kapiling ang pamilya.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles