Hinanap at tinulungan ng Department of Labor and Employment Region 2 ang mga pamilyang apektado ng lindol sa mga bayan ng Aparri, Gattaran, at Iguig, Cagayan nitong Biyernes, Hulyo 29, 2022.
Sa kabuuan, dalawang benipisyaryo ang kanilang natagpuan mula bayan ng Aparri, at tig-isa naman mula sa bayan ng Gattaran at Iguig.
Makakatanggap ang mga apektadong pamilya ng Emergency Employment sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program at Livelihood Grant sa pakikipagtulungan ng Technical Education Skills Development Authority (TESDA) Region 02.
Maliban dito, tutulong din ang tanggapan ng TESDA sa pagsasaayos sa mga nasirang tahanan ng mga benipisyaryo at maglalaan sila ng scholarship sa mga interesadong miyembro ng mga apektadong pamilya.
Samantala, sinabi naman ng DOLE RO2 na patuloy ang kanilang hanay sa paghahanap ng iba pang mga naapektuhan sa naganap na lindol upang maabutan din ang mga ito ng tulong mula sa gobyerno.
Source: DOLE Region 2