Namahagi ang Department of Agriculture-Central Luzon ng fertilizer voucher para sa diskwento sa presyo ng pataba para sa mga magsasaka sa Zaragoza, Nueva Ecija nito lamang ika-25 ng Hulyo 2022.
Ayon kay Regional Rice Program Coordinator Lowell Rebillaco, ang mga benipisyaryo ng programa ay nakatanggap ng tig Php1,131 kada ektaryang inbred rice at Php2,262 kada ektarya ng hybrid rice.
Dagdag pa ni Rebillaco na ang mga voucher ay maaaring gamitin ng mga magsasaka sa mga accredited na mangangalakal.
Gayunpaman, na ang tanging mga magsasaka na nakarehistro sa ilalim ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) at ang mga nag-avail ng mga buto ng palay mula sa DA Rice Program ang karapat-dapat na makatanggap ng fertilizer discount voucher.
Kaya naman inanyayahan niya ang mga hindi pa nakapagparehistro sa magsasaka na sadyain na ang mga opisina ng Municipal Agriculture Office upang magpamiyembro.
Patunay lamang na ang ating gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng mga programang ikakagaan ng gastusin ng mga magsasaka.
Source: Department of Agriculture Central Luzon