18.5 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Mga nagbalik-loob na rebelde nakatanggap ng Bigasan at Sari-sari store sa Project SUBLI na handog ng 1st Isabela PMFC

Matagumpay na naisagawa ang Blessing at Turn-over ng Project SUBLI na may ibig sabihing (Sarili mo’y Uusad Biyayang Laan na aming Igagawad) – Negosyo Package (Bigasan at Sari-sari Store) sa Sitio Caunayan, Brgy. San Mariano Old, San Mariano, Isabela nito lamang ika 28 ng Hulyo 2022.

Pinangunahan ni PLtCol Jeffrey D Raposas, Force Commander kasama si PLt Noralyn D Andal, Chief, PIS/FJGAD/IORC sa pakikipagtulungan ng Department of Trade and Industry-Isabela (DTI), Officer-In-charge for Business Development Division, 95th Infantry Battalion, Philippine Army; Religious Sector at Advocacy Support Groups and Force Multipliers.

Ang benipisaryo ng Project SUBLI ay mga dating rebelde na kasabay ding iginawad ang Certificate of Registration mula sa DOLE-Isabela.

Kasama rin sa aktibidad ang pamamahagi ng 300 binhi ng gulay, dalawang sako ng bigas, at dalawang sakong bulto na mga damit.

Umabot naman sa Php100,000 halaga ng Negosyo Package, at kabuuang Php110,600 halaga ang naipamahagi sa 60 na benipisyaryo ng proyekto.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga residente sa mga kapulisan na kahit nasa malayo at liblib silang lugar ay naaabot at nararamdaman nila ang presensya ng gobyerno.

Ang inisyatibo na ito ay alinsunod din sa programang NTF-ELCAC na nagsusumikap na mailapit pa ang mga pangunahing serbisyo ng gobyerno sa mga mamamayan ng Rehiyon Dos.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles