16.2 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Certified Seeds para sa mga magsasaka naipamahagi sa Gitnang Luzon

Nakatanggap ang mga magsasaka ng Central Luzon ng certified seeds ngayong panahon ng tag-ulan mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Seed Program nito lamang ika-29 ng Hulyo 2022.

Ayon kay Flordeliza Bordey, RCEF Program Management Officer, ang Philippine Rice Research Institute (PhilRice), katuwang ang mga lokal na pamahalaan sa Gitnang Luzon ay nakapagbigay ng 272,019 na sako ng certified seeds sa 85,567 na magsasaka sa probinsya ng Aurora, Bataan, Bulacan, Pampanga at Zambales.

Ang pamimigay ng butil sa mga magsasaka ay bahagi ng RCEF sa ilalim ng Rice Tariffication Law na naglalayong pababain ang presyo ng bigas at pataasin ang ani ng mga magsasaka.

Ang RCEF-Seed Program ay may pondong 10 billion kada taon.

Patunay lamang na ang ating gobyerno ay patuloy sa pagtulong sa ating mga magigiting na magsasaka nang sa ganun ay mapataas ang antas ng kanilang kabuhayan.

Source: Department of Agriculture-Central Luzon

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles