Nagsagawa ng lektyur patungkol sa Anti-Criminality kaugnay sa Kasimbayanan (Kapulisan, Simbahan at Pamayanan) sa mga opisyales ng barangay at tanod sa Brgy. Matagdem, San Carlos City, Pangasinan nito lamang Martes, Hulyo 19, 2022.
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ni Pastor Hipolito Sabangan katuwang ang CDRRMO, Bureau of Fire Protection kasama ang San Carlos City Police Station na pinapangunahan ni Police Lieutenant Colonel Luis M Ventura Jr, Chief of Police.
Tinalakay ang patungkol sa anti-criminality upang itaas ang kamalayan ng mga miyembro ng barangay sa mga batas at paano maiwasan ang paglaganap ng krimen sa barangay.
Bukod dito, tinalakay din ang pagpapanatili ng standard health protocols para maiwasan ang COVID-19.
Ang pagkakaroon ng ganitong aktibidad sa tulong ng mga ibang kawani ng gobyerno ay nagpapatunay na ang mga alagad ng batas ay hindi lamang sa pagsugpo ng krimen maaasahan kundi sa iba’t ibang gawain na nakakatulong sa pamayanan.