Nagbalik-loob sa gobyerno ng Nueva Ecija ang dating miyembro ng Communist Terrorist Group sa Brgy. North Poblacion, Nampicuan, Nueva Ecija nito lamang ika-20 ng Hulyo 2022.
Kinilala ang sumuko na si Ka Benny na mula sa Arcadio Peralta Command na nabuo noong 1998 at residente ng Nampicuan, Nueva Ecija.
Sumuko ang nasabing terorista sa pinagsanib na puwersa ng tauhan ng Nampicuan Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit, 2nd Provincial Mobile Force Company, Regional Intelligence Division, 303rd Mechanized Company, Regional Mobile Force Battalion 3, Cuyapo MPS, Guimba MPS, Santo Domingo MPS, Licab MPS at Alpha Company 84th Infantry Battalion, 7 Infantry Division, Philippine Army.
Isinuko din ni Ka Benny ang isang Caliber 38 na baril.
Ang pagsuko ng bawat CTG ay nagpapakita lamang ng magandang resulta ng pursigidong pagkumbinsi ng pamahalaan katuwang ang PNP sa mga teroristang grupo na itigil na ang terorismo at magbalik-loob sa gobyerno para mamuhay ng tahimik at maayos kapiling ang pamilya.