Sumuko sa gobyerno ang apat na miyembro ng Communist Front Organization sa Agoo, La Union nito lamang Huwebes, Hulyo 21, 2022.
Kinilala ang mga sumuko na sina alyas Ka Mavic, 53; alyas Ka Noel, 40; alyas Ka Teban, 38; at alias Ka Fe, 54, pawang mga residente ng Brgy. San Nicolas West, Agoo, La Union at mga miyembro ng CFO na Timek ti Mangalap- Agoo, La Union Chapter.
Ang mga nabanggit ay boluntaryong sumuko sa pinagsanib na tauhan ng Agoo MPS, La Union Provincial Intelligence Unit, Regional Intelligence Unit 1, at Technical Support Platoon-Regional Mobile Force Battalion 1.
Sumailalim ang mga sumuko sa debriefing process sa presensya ng Barangay Captain ng San Nicolas West, Agoo, La Union at ng mga operatiba ng PNP.
Pumirma din cla ng oath of allegiance bilang pagtalikod sa kabilang grupo at pagsuko sa gobyerno.
Ang pagsuko sa gobyerno ng mga miyembro ng makakaliwang grupo ay nagpapakita ng magandang resulta ng epektibong pagsulong ng kampanya laban sa terorismo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF- ELCAC.