Nagsagawa ng serbisyong medikal ang Reserve Command, Philippine Army sa Barangay Cawayan Bugtong, Guimba, Nueva Ecija nito lamang ika-18 ng Hulyo 2022.
Naging matagumpay ang nasabing programa sa pakikipagtulungan ng Destura Construction and Interior Design Services, Rotary Club of Intramuros, Riego De Dios Eagles Club, Junior Chamber International Quezon City Capitol, 402 Community Defense Center, 3rd Regional Community Defense Group Reserve Command, Philippine Army at Local Government Unit (LGU) ng Guimba, Nueva Ecija.
Ayon kay Major General Fernando V Felipe, Commander ng Reserve Command Philippine Army, ang aktibidad ay bahagi ng kanilang programa upang makapag-ambag sa socio-economic at nation building.
285 na pamilya ang naging benipisyaryo ng aktibidad kung saan nagkaroon ng libreng konsulta, libreng pagbubunot ng ngipin at libreng gupit.
Gayundin, namahagi din ng food packs, gamit pang eskwela, hygiene kits at mga laruan.
Samantala, tiniyak ni Major General Andrew D Costelo, Commander ng 7th Infantry (Kaugnay) ang buong suporta ng 7ID sa Reserve Command, Philippine Army at sinigurong makikipagtulungan upang makamit ang kapayapaan at ipaabot sa mga liblib na lugar ang iba’t ibang programa at serbisyo ng gobyerno.