Boluntaryong sumuko sa gobyerno ang isang dating miyembro ng NPA in the Barrios sa Camp Col Adolfo Catriz Eufemio Jr, San Jose Norte, Manabo, Abra, nito lamang Martes, Hulyo 19, 2022.
Ang sumuko ay kinilalang si alias “Kuttong”, 36, wlang asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Naguilian, Sallapadan, Abra.
Sumuko ang dating rebelde dahil sa matagumpay at payapang negosasyon ng mga pinagsanib na operatiba ng 2nd Abra Provincial Mobile Force Company, Provincial Intelligence Unit Abra, PDEU Abra PPO, Sallapadan MPS, Manabo MPS, RID, RIU-14, 1st Abra PMFC, RMFB 1504th MC, 71st IB PA, 24th IB PA, 144th SAC SAF at Abra PECU.
Samantala, ang sumuko ay binigyan ng grocery items at cash assistance mula sa PNP Abra.
Gayundin ang sumuko ay isasailalim sa Enhance Comprehensive Local Integration Program ng gobyerno kung saan ay matutulungan siyang makapagsimula ulit ng panibagong buhay ng maayos at payapa.
Hinihikayat ng gobyerno ang mga aktibong miyembro at tagasuporta ng mga Komunistang Grupo na sumuko at makapagbagong buhay kapiling ang pamilya.