Sumailalim sa pagsasanay at pag-aaral ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams sa Brgy. Bayaoas, Pangasinan, nitong Lunes, Hulyo 18, 2022.
Matagumpay na naisagawa ang naturang aktibidad na nilahukan ng mga opisyales ng barangay, na Pinamumunuan ni Hon. Eduardo Aquino, BPATs at Urbiztondo Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Felimon C Oligo, Officer-in-Charge.
Sa nasabing pagsasanay at pag-aaral ay nadagdagan ang kanilang kaalaman patungkol sa tamang pagsasagawa ng pag-aresto na magagamit nila sa kanilang pagbibigay serbisyo sa kanilang mga kabarangayan at upang masiguro ang kanilang kaligtasan sa oras ng pangangailangan ng mga tao sa naturang barangay.
Namahagi din ng kaalaman patungkol sa RA 11313, Human Rights Advocacy, Crime Prevention, End Local Communist Armed Conflict, RA 9262 o Violence Against Women and their Children Act at RA 7610 o Anti-Child Abuse Law.
Ito ay patunay lamang na ang iba’t ibang organisasyon at grupo ay handang makipagtulungan upang mapanatili ang kaayusan, katahimikan, at kaligtasan ng bayan.