15.2 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

PNP nag-abot ng tulong sa mga katutubong Agta

Tumanggap ng tulong ang isang grupo ng katutubong Agta mula sa 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company nitong Hulyo 16, 2022 sa Isabela Police Provincial Office, City of Ilagan, Isabela.

Galing ang mga katutubo sa Sitio Dilukot, Brgy. Burgos, San Guillermo at nagtungo sa Cauayan City, Isabela.

Nasiraan ang inarkila nilang kulong-kulong kaya humingi sila ng tulong sa mga pulis ng 2nd Isabela PMFC.

Hindi naman nag-atubili ang mga pulis at agad silang pinuntahan.

Pinatuloy nila ang mga katutubo sa kanilang himpilan upang doon na magpalipas ng gabi dahil sa layo ng kanilang uuwian.

Nagbigay din ang mga pulis ng 2nd IPMFC mula sa kanilang mga sariling bulsa ng tulong pinansyal at mga damit para sa mga katutubo.

Maliban dito, nagboluntaryo na din sila na ihatid ang mga ito sa kanilang Sitio.

Lubos naman ang naging pasasalamat ng mga katutubo sa kabutihang loob at malasakit sa kanilang ng mga pulis.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles