Naghandog ng pangkabuhayan package para sa 25 residente sa Multi-Purpose Hall, Camp Valentin S Juan, Ilocos Norte Police Provincial Office nito lamang Lunes, ika-18 ng Hulyo 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Julius Suriben, Acting Provincial Director ng INPPO at sinaksihan ni LtCol Vladimir P Gracilla, GSC (INF) PA 702nd Brigade Executive Officer; Hon. Elmer C Faylogna, Presidente ng ABC; at Atty. Japheth Maningding – NAPOLCOM Provincial Officer.
Ang mga nakatanggap ng kambing na may bitamina ay 19 indibidwal ng selected Urban Poor Families at anim na dating miyembro ng Alyansa ng Magbubukid na nagbalik-loob sa gobyerno.
Samantala, naisagawa din ang pagbigay ng Certificate of Appreciation sa mga iba’t ibang ahensiya o Law Enforcement Agencies (LEAs) bilang pagkilala at pasasalamat sa pakikipagtulungan para mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng lalawigan ng Ilocos Norte.