Boluntaryong sumuko sa gobyerno ang isang dating miyembro ng KLG AMPIS sa Brgy. Rosario, Cervantes, Ilocos Sur nitong Miyerkules, Hulyo 14, 2022.
Kinilala ang sumuko na si “Ka Jack”, 46 at residente ng Sitio Banginen, Brgy. Tabio, Mankayan, Benguet.
Boluntaryong sumuko si “Ka Jack” sa 102nd Maneuver Company Regional Mobile Force Battalion 1, Naval Intelligence at Security Group- Northern Luzon (NISG-NL), Regional Intelligence Division PRO 1, Regional Intelligence Unit 1, Provincial Intelligence Unit, La Union Provincial Police Office, CIDG Regional Field Unit 1, CIDG Baguio City Field Unit, Cervantes MPS, 1502nd Maneuver Company, 143 SAC, 14 SAB, PNP-SAF, 702nd Brigade, MICO at NICA-CAR/RO1.
Isinuko din ni “Ka Jack” ang kanyang isang Rifle Granade.
Ang pagsuko ng bawat CTG ay nagpapakita lamang ng magandang resulta ng pursigidong pagkumbinsi ng pamahalaan katuwang ang PNP sa mga teroristang grupo na itigil na ang terorismo at magbalik-loob sa gobyerno.
Source: 102nd Maneuver Company