Nagsagawa ng Lecture/Seminar ang Technical Education and Skills Development Authority sa 101st Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 1 na ginanap sa 101st Maneuver Company Headquarters, Brgy. Bomitog, Banna, Ilocos Norte nitong ika-12 ng Hulyo 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Mr. Nestor Pascual, Vocational School Administrator/Skills Trainer ng TESDA, Marcos Agro-Industrial School na dinaluhan din ni Police Captain Kristian Lee Badua, Acting Company Commander ng 101st MC, RMFB 1.
Ang mga kapulisan ay tinuruan ng Barbering NCII o Basic Haircutting Techniques kasama ang ibang mga miyembro ng Advocacy Support Groups.
Ang Barbering NCII o Basic Haircutting Techniques ay isang maikling kurso sa TESDA kung saan ang mga kalahok ay nagsanay sa paggupit ng buhok.
Magagamit ng mga kapulisan ang ganitong kasanayan bilang isa sa aktibidad kapag nagsasagawa ng community outreach program.
Ang mga kalahok mula sa Advocacy Support Groups naman ay tuwang-tuwang nakibahagi sa lecture at aktibong ipinakita ang kanilang natutunan sa pamamagitan ng kanilang hands on exercise.
Ang pagkakaroon ng ganitong aktibidad sa tulong ng mga ibang kawani ng gobyerno ay nagpapatunay na ang mga alagad ng batas ay hindi lamang sa pagsugpo ng krimen maaasahan kundi sa iba’t ibang gawain na nakakatulong sa pamayanan.