Isinagawa ang programang All-in-One Caravan sa Brgy. Poblacion, Labrador, Pangasinan na pinasimunuan ng Police Regional Office 1 nitong Linggo, ika-9 ng Hulyo 2022.
Ayon kay Police Brigadier General Westrimundo D Obinque, Regional Director, PRO1, ang aktibidad ay kaugnay ng selebrasyon ng ika-27th Police Community Relations Month na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan”.
Ayon pa kay PBGen Obinque, ang aktibidad ay layon na makapag-abot ng tulong sa mamamayan at matulungan din ang kapulisan ng mga tao sa komunidad para makamtam ang inaasam na kapayapaan.
Dagdag pa ni PBGen Obinque, nakapagbigay ng libreng Medical at Dental konsultasyon, Pailaw ng Pulis, Libreng Gupit, Outreach Program/Gift giving at information dissemination sa residente ng Labrador, Pangasinan.
Laking pasasalamat at tuwa ng mga residente ng Labrador, Pangasinan sa handog na natanggap na biyaya ng PNP.
Ang pakikipagtulungan sa Pambansang Pulisya ng Pilipinas at komunidad ay nagbubunga ng maayos at mapayapang komunidad na nais makamtam ng bawat Pilipino.