18.6 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Lektyur patungkol sa mga batas at terorismo isinagawa sa Cabiao, Nueva Ecija

Nagsagawa ng lektyur patungkol sa mga batas at terorismo sa mga opisyales ng barangay at tanod ng Natividad South, Cabiao, Nueva Ecija nito lamang ika-11 ng Hulyo 2022.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Gerald Fernandez, Officer-in-Charge ng Cabiao Municipal Police Station kaugnay sa pagdiriwang ng ika-27th Police Community Relations Month Celebration.

Tinalakay ang mga batas tulad ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Drugs Act of 2002, Republic Act 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004, at ang Republic Act 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Tinalakay din ang Executive Order 70 o ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict na tumalakay sa iba’t ibang propaganda at paraan ng pagrerecruit ng mga rebeldeng grupo.

Layunin ng nasabing aktibidad na itaas ang kamalayan ng mga miyembro ng barangay sa usapin sa karapatan ng kababaihan at bata pati sa masamang dulot ng teroristang grupo.

Source: Cabiao Pnp Ne 

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles