Narekober ng mga tauhan ng 71st Infantry Battalion sa ilalim ng Joint Task Group Defender ang mga nakatagong armas ng mga Communist Terrorists Group sa Santiago, Ilocos Sur nitong ika-3 ng Hulyo 2022.
Ayon kay Lieutenant General Ernesto Torres Jr., Commander ng Northern Luzon Command, nahukay nila ang isang M16 rifle, limang long magazines, tatlong short magazines, 140 piraso na 5.56 mm na mga bala at isang bandolier.
Dagdag pa ni Lt. Gen. Torres, isang dating lider ng Guerilla Front AMPIS na nag-ooperate sa Abra, Mountain Province at Ilocos Sur ang tumulong sa kanila upang matagpuan ang mga nasabing armas.
Ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa pakikipagtulungan sa Pambansang Pulisya ng Pilipinas at sa komunidad ay patuloy na susukalin ang mga kabundukan upang mahanap ang mga iba pang nakatagong armas ng mga terorista nang sa gayon ay mapahina pa ang hanay ng nasabing lokal na terorista.
Source: 71st Infantry Battalion