13.9 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Dengue Awareness Month inilunsad ng City Health Office sa Brgy. Ilocanos Sur, San Fernando, La Union

Naglunsad ang City Health Office ng Dengue Awareness Month sa Brgy. Ilocanos Sur, San Fernando City, La Union nitong Miyerkules, Hulyo 6, 2022.

Ito ay alinsunod sa Oplan Palit Gulong para maiwasan ang pagdami ng kaso ng dengue sa nasabing lugar.

Hinihikayat ang mga residente na makiisa sa pamamagitan ng paanyaya na maaaring ipalit ang mga lumang gulong, plastic bottles, plastic containers sa ilang kilong bigas.

Ayon pa kay City Health Office, namahagi rin ng mosquito killers at lotion bilang proteksyon sa lamok at dengue sa mga residente ng nasabing lugar.

Paalala ng City Health Office sa mga residente na huwag hayaang may maipong tubig sa mga basura o basurahan dahil maaari itong bahayan ng mga lamok.

Layunin ng nasabing aktibidad na panatilihing malinis ang kapaligiran upang masugpo ang breeding sites ng mga lamok.

Source: City Government of San Fernando, La Union

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles