Sampung dating rebelde (FRs) ang nakatanggap ng livelihood kit na nagkakahalaga ng Php10,000 bawat isa sa Municipal Hall, Barangay San Jose, Baggao, Cagayan noong Hulyo 06, 2022.
Nabigyan din ng sari-sari store package ng Department of Trade and Industry (DTI) sa tulong ng 77th Infantry Battalion at ng Local Government Unit ng Baggao.
Ang nasabing tulong ay nasa ilalim ng Livelihood and Entrepreneurship Program ng DTI kaugnay ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP).
Ipinaabot naman ng mga benepisyaryo ang kanilang taos pusong pasasalamat sa kanilang biyayang natanggap.
Nagpasalamat din si LtC Magtangol G Panopio, Battalion Commander ng 77IB sa DTI sa suporta nito na wakasan na ang lokal na communist armed conflict at sa pagtulong sa proseso ng reintegration ng mga dating rebelde.
Hinimok din ni LtC Panopio ang mga natitirang miyembro ng Communist Terrorist Group na bitawan na ang kanilang mga armas at bumalik na sa panig ng gobyerno para mamuhay ng tahimik at masaya sa piling ng pamilya.
Source: 77th Infantry