13.9 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Improvised Explosive Device narekober sa Balbalan, Kalinga

Narekober ng mga otoridad ang mga improvised explosive device sa kagubatan ng Sitio, Alwiyao, Brgy. Pantikian, Balbalan, Kalinga, umaga ng ika-5 ng Hulyo, taong kasalukuyan.

Narekober ang mga IED dahil sa isang informant na nagbigay ng impormasyon na mayroong nakatagong mga IED sa nasabing kagubatan at pinaniniwalaang mga armas ng Komiteng Larangang Guerilla (KLG)-Baggas.

Narekober ang mga IED sa pinagsanib na operasyon ng Kalinga Police Provincial Office, Provincial Intelligence Unit, RID Cor, Provincial Explosive Ordinance Disposal Canine Unit Kalinga, Balbalan MPS, 1st Kalinga Provincial Mobile Force Company, 141 Special Action Company, 14 Special Action Battalion, PNP Special Action Force, CIDG at AFP intelligence counter parts.

Ang mga narekober ay dalawang improvised APERS/anti-tank mine, isang improvised Claymore mine (APERS) at 3 IED-components #18 firing wires na nakarolyo (70m x 60m x at 5m) at 3 piraso na 1.5 voltz eveready batteries.

Ang mga narekober na IED ay dinala sa Kalinga Police Provincial Office para sa dokumentasyon at wastong disposisyon.

Source: Kalinga PPO

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles