Nasugatan ang pitong katao pagkatapos ang banggaan ng isang kulong-kulong at isang motorsiklo sa Barangay Appas, Tabuk City, Kalinga nito lamang Hulyo 3, 2022.
Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya ng Tabuk City na habang binabagtas ng kulong-kulong ang Provincial Road patungo sa Dagupan na minamaneho ni Davester Mewang, 20, estudyante, biglang nalaglag ang isa sa mga turnilyo ng kulong-kulong dahilan para mawalan ng kontrol ang nasabing sasakyan.
Sa pagkawalan ng kontrol ng kulong-kulong agad naman itong bumangga sa isang motorsiklo na minamaneho ni Billy Canao, 35 taong gulang.
Nagtamo ng mga pinsala ang driver ng kulong-kulong at apat (4) na pasahero, gayundin ang dalawang (2) sakay ng motorsiklo.
Agad naman dumating ang Bureau of Fire Protection (BFP) upang saklolohan at para sa agarang pagdala ng mga biktima sa pinakamalapit na ospital.
Samantala, ang mga sasakyan na sangkot sa nasabing aksidente ay dinala sa Tabuk PNP para sa pansamantalang kustodiya.
Source: GURU Press Cordillera