13.9 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Mga kagamitang pandigma ng rebeldeng NPA narekober sa Tarlac

Narekober ang iba’t ibang kagamitang pandigma ng mga rebeldeng NPA sa Barangay Santa Juliana, Capas, Tarlac nito lamang ika-1 ng Hulyo 2022.

Ayon kay MGen Andrew D Costelo, Commander ng 7th Infantry (Kaugnay) Division, ang matagumpay na operasyon ay isinagawa ng 31st Mechanized Infantry Company, 3rd Mechanized Infantry (Makatarungan) Battalion, 790th Air Base Group at 710th Special Operations Wing, Philippine Air Force, National Intelligence Coordinating Agency 3 (NICA3) at Capas Municipal Police Station.

Ang mga narekober ay isang M16A1 rifle, isang M14 Rifle, isang M2 carbine, isang KG9 machine gun, isang beretta 9mm, tatlong Caliber 38, isang Cal.22, iba’t ibang bala tulad ng 92 balang 7.62MM, 46 bala para sa 7.62MM linked, 373 bala ng 5.56MM, 15 bala ng 9MM, apat na bala ng cal.22 Magnum, at pitong bala ng Cal.38; 16 samut-saring magazine, isang commercial radio, sari-saring gamot at personal na kagamitan na pinaniniwalaang pagmamay-ari ng KLG-TARZAM.

Samantala, ipinahayag din ni MGen Costelo na bunga ito ng alituntunin ng NTF-ELCAC sa lugar.

Umaasa si MGen Costelo na sa lalong madaling panahon ay matutunton na din ang kinaroroonan ng mga armadong terorista ng sa ganun ay matapos na ang Local Communist Armed Conflict sa Northern at Central Luzon.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles