Inilunsad ng Department of Trade and Industry ang ika-3 taon ng Youth Entrepreneurship Program (YEP) sa Kalinga State University, Tabuk City, Kalinga noong Hunyo 30, 2022.
Ang nasabing programa ay may temang “Harnessing Our Own Resources for the Advancement of the Youth” (HOORAY) na naglalayong tugunan ang mga bata upang maging produktibong indibidwal.
Ang Cordillera Youth Entrepreneurship Program (YEP) ay nagtatampok ng Project MARITES (Mobilizing Available Resources through Inclusive Training on Entrepreneurship of Student-Grantees) ng Regional Commission of Higher Education (RCHED).
Ang CHED-CAR ang kauna-unahan sa bansa na nagpasimula ng nasabing proyekto para makatulong sa tagumpay ng mga College Scholars na nakikipagsapalaran sa negosyo.
Ang nasabing programa ay may sampung estudyante ng kolehiyo na nagsasanay ang sasalang na unang grupo ng Project MARITES.
Ang layunin ng nasabing programa ay upang sanayin ang mga kabataan bilang maging mahuhusay na negosyante.
Source: GURU Press Cordillera