18.6 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Peace rally isinagawa ng iba’t ibang sektor sa Tarlac

Nanawagan ng pagkakaisa ang iba’t ibang sector sa Tarlac sa isinagawang peace rally kasabay ng inagurasyon ni President Ferdinand Marcos Jr. nito lamang ika-30 ng Hunyo 2022 sa Plazuela, Tarlac City.

Ang nasabing rally ay may temang “Pagkakaisa para sa Bagong Simula Tungo sa Kapayapaan at Kaunlaran”.

Ito ay dinaluhan ng 300 na katao mula sa grupo ng OFW Family Circle Federation, Bigkis Task Force, Phoenix Riders Philippines Inc., Macondray Riders Group Tarlac City Chapter, Guardian Independent of the Philippines Inc., FS Raap, Solid Guardian Inc., Osias College Students, religious leaders, kabataan, dating rebelde at miyembro ng Malayang Magbubukid sa Asyenda Luisita (MALAYA).

Layunin ng pagtitipon na magpakita ng suporta sa bagong administrasyon at nananawagan ng kapayapaan para sa ikauunlad ng ating bansa.

Nagtapos ang aktibidad sa pamamagitan ng sabay sabay na pagsindi ng kandila na sumisimbolo ng bagong liwanag sa bagong administrasyon ni President Ferdinand Marcos Jr.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles