23.1 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

2-Day Skills Training sa Reedcraft Production isinagawa ng DTI sa Tineg, Abra

Nagsagawa ng dalawang araw na Skills Training sa Reedcraft Production ang Department of Trade and Industry sa Sitio Tapayen, Barangay Alaoa, Tineg, Abra noong Hunyo 29-30, 2022.

Higit kumulang 27 na residente ang lumahok sa naturang pagsasanay na karamihan ay mga magsasaka.

Ang ginanap na skills training ay alinsunod sa Negosyo Center Program ng DTI na naglalayong magbigay ng mga potensyal na Micro, Small, and Medium Enterprises (MSME) sa paggawa ng mga produktong gawa sa tambo (runo) at bumuo ng mga bagong pinagkukunan ng kita sa lokalidad.

Ang pagsasanay ay pinangasiwaan ng tagapagsanay na si G. Carlo Balneg, may-ari ng Carlo’s Bamboo Furnishings and Furniture.

Samantala, kasama sa mga productong nabuo matapos ang training (output) ay ang mga runo tray, hot pot, at mga dekorasyon sa dingding.

Source: Damdamag Abra

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles