15.7 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Kadiwa Stores at Nutribun Project, muling isinulong ni Senator Imee Marcos sa Ilocos Norte

Muling isinulong ni Senator Imee Marcos ang Kadiwa Stores at Nutribun Project sa probinsya ng Ilocos Norte nito lamang ika-28 ng Hunyo 2022.

Ang Kadiwa Store ay nagbebenta ng murang bigas, noodles, asukal, sardinas, at kape, pati na rin ng mga gulay at manok na direktang galing sa mga producers.

Mamahagi din ng buns (malaking tinapay) na gawa sa carrots, kalabasa at gatas ng kalabaw sa mga mag-aaral sa probinsya.

Layunin nitong matustusan ng mga mamamayan sa murang halaga na kaya ng bulsa ang pang araw-araw na pangangailangan at mabigyan ng masustansyang pagkain ang mga bata para maiwasan ang malnutrisyon.

Dagdag pa nito, ang Ilocos Norte ay nagbigay din ng mga inuming gatas na tsokolate para sa mga buntis bilang bahagi ng 90-araw na supplemental feeding program nito sa pakikipagtulungan ng Philippine Carabao Center at ng Department of Science and Technology-assisted Bakers PH.

Samantala, nakatakdang magbisita ang Capitol Express (Capex), isang programa na naghahatid ng iba’t ibang serbisyo ng frontliners  ng Ilocos Norte sa mga katutubo.

Source: Philippine News Agency

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles