Sumailalim na sa pagsasanay ang 600 bagong recruits ng Philippine Army matapos ang kanilang reception rites nito lamang ika-16 ng Hunyo 2022 sa Makabulos Grandstand of Training and Doctrine Command, Camp O’Donnell, Capas, Tarlac.
Mayroon silang 16-week Basic Military Training sa TRADOC’s School.
Ang mga rekrut ay matututo sa pangunahing kaalaman tungkol sa pagiging sundalo at ang mga Core Values ng Philippine Army.
Pinuri naman ni Army Commanding General Lt. Gen. Romeo S. Brawner, Jr, ang TRADOC kung saan ito ang pinagmulan ng mga pamantayan ng Army, para sa kanyang topnotch training program na naghuhulma ng mga rekrut sa mahusay na pagsasanay at mahusay na disiplinadong mga sundalo na handang ipagtanggol ang bansa.