18.6 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Dating miyembro ng Communist Terrorist Group sumuko sa Pangasinan

Santa Maria, Pangasinan – Sumuko sa gobyerno ang isang dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Santa Maria, Pangasinan nito lamang Biyernes, Hunyo 17, 2022.

Kinilala ang sumuko na si “Ka Macao”, 43, residente ng Sitio Ariola, Brgy. Santa Maria, Umingan, Pangasinan, at dating miyembro ng Nueva Ecija-Nueva Vizcaya Eastern Pangasinan (NE-NV-EP), Central Luzon Regional Committee (CLRC) na kilala rin sa tawag na CPP-NPA Eastern Pangasinan Caraballo Regional Party Committee.

Boluntaryong sumuko si “Ka Macao” sa pinagsanib na tauhan ng Regional Intelligence Unit 1; Regional Intelligence Division 1; Pangasinan Intelligence Unit; Regional Police Drug Enforcement Unit 1; Criminal Investigation and Detection Group Satellite 3; Urdaneta City, Pangasinan; 104th Company of Regional Mobile Force Battalion 1; 2nd Provincial Mobile Force Company Tayug; at Citizens Anti-Felony Special Support Group (CAFSG).

Isinuko rin ni “Ka Macao” ang isang fragmentation hand grenade sa mga otoridad.

Si “Ka Macao” ay kasalukuyang sumasailalim sa debriefing process kung saan pagkatapos nito ay itatalaga siya bilang miyembro ng Barangay Information Network (BIN) upang maglingkod at maging katuwang sa pagpapanatili ng kapayapaan sa kanilang lugar.

Ang pagsuko sa gobyerno ng dating rebelde ay patunay lamang na nagpapakita ng epektibong pagsulong sa kampanya kontra terorismo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF- ELCAC para sa mga katulad nilang naligaw ng landas upang magbalik-loob sa pamahalaan laban sa mga mapanlinlang na estratehiya ng mga makakaliwang organisasyon at tuluyan ng mawakasan ang insurhensiya sa Rehiyon.

Source: Santa Maria Police Station

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles