18.6 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

CHR at PA nagpaabot ng suporta sa dating NPA Child Warrior

Isang dating NPA child warrior ang nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa Commission on Human Rights (CHR) noong Hunyo 15, 2022, sa 77th Infantry Battalion, Philippine Army (PA) Headquarters, Piggatan, Alcala, Cagayan.

Personal na inabot ni Atty. Jimmy Baliga, Regional Director ng Commission on Human Rights 02 ang cheke na nagkakahalaga ng Php10,000 kay alias Arcy sa pamamagitan ng tulong ng 77 Infantry Battalion, Philippine Army.

“Ang tanggapan ng CHR ay patuloy na umaagapay para sa ating mga kababayan na nakaranas ng paglabag sa kanilang karapatang pantao. Ang pinansyal na ipinagkakaloob ng aming tanggapan ay isa lamang sa mga tulong na handa naming ipagkaloob lalo na sa mga kabataang biktima ng teroristang NPA”, ani RD Baliga.

Si alyas Arcy ay 16 taong gulang nang gamitin bilang armadong courier ng Communist Terrorist Group (CTG) hanggang sa napilitan siyang sumali sa grupo noong 2017.

Ayon sa kanya, napilitan siyang sumapi sa teroristang grupo dahil may banta sa kanyang buhay.

“Natatakot naman po akong hindi sumama sa kanila (CTG) noon. Tinatakot nila ako at ang pamilya ko. Kaya iniisip ko noon, para lang maligtas kami napilitan na po akong sumama” emosyonal na isinaad ni alyas Arcy habang inaalala niya kung paano siya nasangkot sa teroristang grupo.

Noong March 17, 2021, nagkaroon siya ng pagkakataon upang magbalik sa kanlungan ng batas. “Nakakita ako ng pagkakataon noon na sumuko. Nung nakita ko yung mga sundalo (ng 77IB) hindi na po ako nagdalawang isip na humingi ng tulong sa kanila. Kaya malaki ang pasasalamat ko po talaga na tinulungan din nila ako,” sabi ng dating child warrior.

Dagdag din niya na lubos ang kanyang pagpapasalamat sa CHR dahil sa binigay nila na tulong pandagdag para sa panggastos para sa pangunahing pangangailangan.

Samantala, hinihimok naman ni LtC Panopio Magtangol ang mga natitirang miyembro ng CTG na bumalik na sa pamahalaan at kunin ang mga benepisyo sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP).
“Hindi pa huli ang lahat. Lay down your arms and we will help you to reintegrated” ani Magtanggol.

📸 77th Infantry Battalion, PA

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles