19.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

“Work Readiness Program” para sa mga fresh graduates, inilulunsad ng Ilocos Norte LGU

Ilulunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Ilocos Norte (PGIN) ang kanilang bagong internship package na tinawag na “Work Readiness Program” (PGIN Jobstart) para sa mga bagong nagtapos sa kolehiyo sa probinsya na magsisimula mula Hulyo hanggang Disyembre 2022.

Ang “Work Readiness” program ay isasagawa sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) kung saan magkakaroon ng anim na buwang yugto ng internship ang mga nagsipagtapos sa mga establisyementong naghahanap ng aplikante.

Ito ay naglalayong tulungan ang mga bagong nagsipagtapos sa kolehiyo sa paghahanap ng trabaho gayundin ang mga lokal na industriya sa pagkuha ng mga kwalipikadong aplikante para sa mga bukas na posisyon.

Ayon kay Mrs. Anne Marie Lizette B. Atuan, Public Employment Service Office (PESO) Manager, pinipigilan nito ang brain drain sa probinsya sa kadahilanang madalas ang mga fresh graduates ay sa labas ng lalawigan naghahanap ng trabaho pagkatapos ng graduation.

Kaya upang manatili ang mga young professionals sa Ilocos Norte, binibigyan sila ng magandang trabaho na may salary package kung saan sila maaaring makakuha ng unang karanasan sa trabaho at makabisado ang kanilang mga kasanayan.

Ang mga intern ay dapat nasa top 10% ng kanilang graduating class na verified ng kanilang paaralan, nakatapos ng apat na taong kurso sa kolehiyo na may good moral certificate, at nagpakita ng civic conciousness sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga community engagement ng kabataan.

Kinakailangan din sa aplikasyon sa naturang internship ang transcript of record, diploma o certification of graduation, medical certificate na may COVID-19 vaccination card, at iba pang mga dokumentong inisyu ng paaralan at barangay.

“Sa kasalukuyan, nakikipagtulungan kami sa mga institusyong pang-akademiko sa Ilocos Norte upang magsala ng mga aplikante. Nakikipagtulungan din kami sa mga kalahok na industriya kung saan lalagda ang PGIN sa isang memorandum of agreement. Kami rin ay nakikiisa sa Department of Labor and Employment para ipatupad ang labor-related legislations,” ani Mrs. Atuan.

Source: Provincial Government of Ilocos Norte

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles