Tumiwalag sa Communist Front Organization (CFO) ang tatlong miyembro ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMU) sa Brgy. Manambong, Bayambang, Pangasinan nitong Huwebes, Hunyo 9, 2022.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Jim F Helario, Officer-in-Charge ng Bayambang Municipal Police Station, boluntaryong sumuko sa gobyerno ang tatlong miyembro ng Ulupan na Umbaley Ed Camp Gregg Military Reservation (UUECGMR) sa ilalim ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMU).
Kinilala ni PLtCol Helario ang mga sumuko na sina Maria Thalia Lorenzana y Badeo, 25; Elvira Dela Cruz y Abaoag, 58; at Jowel Zamora y Piamonte, 23, na lahat ay mga residente ng Brgy. Manambong, Bayambang, Pangasinan.
Dagdag pa ni PLtCol Helario, ang mga ito ay pumirma ng kanilang Oath of Allegiance to the government na sinaksihan ng mga operatiba ng Bayambang MPS, Provincial Intelligence Team, (PIT), PNP Special Action Force (SAF), 105th Maneuver Company RMFB1, Regional Intelligence Division (RID) PRO1, at Provincial Intelligence Unit (PIU) Pangasinan.
Patuloy na hinihikayat ng PNP ang iba pang mga miyembro ng CFO na sumusuporta sa CTGs na wag matakot na magbalik-loob sa ating gobyerno at nang makamit nila ang tunay na kapayapaan at kaunlaran sa ilalim ng NTF-ELCAC.
Source: Bayambang MPS