Ginunita ng DOLE Regional Office ang pagdiriwang ng 2022 Migrant Workers Day (MWD) sa San Fernando City, La union noong Lunes, Hunyo 6, 2022.
Ang nasabing selebrasyon na may temang “Kabayan, sa galing at Sakripisyo Mo, Nakabangon ang Mundo” ay pinangunahan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Regional Office 1 kasama ang Department of Migrant Workers (DMW) Region 1 o ang dating POEA Regional Center for Luzon, sa pamumuno ni OIC Ferdinand Jose Merrera.
Ipinaabot ni DOLE Regional Office 1 Regional Director Atty. Evelyn R. Ramos ang isang mainit na pagpupugay sa mga migranteng manggagawa gayundin sa mga kawani ng OWWA RWO 1, sa pangunguna ni OIC Director Gerardo Rimorin sa kanilang taos-pusong serbisyo at pangangalaga sa mga OFW, lalo na sa mga nag-uwian sa Pilipinas sanhi ng global pandemic.
Inihayag naman ng DOLE ang patuloy nitong pakikipag-ugnayan sa OWWA para sa pagsulong ng interes at karapatan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang pamilya sa Rehiyon Uno.
“As you aim to provide more to your loved ones or a better future for your children, you have painstakingly endured all the costs that come with it. Missing family celebrations, not being able to witness your children’s’ milestones, and being separated to the people you love. Our government can never repay you for these costs, but we will do our very best to give you the worthwhile option to stay and go home as we facilitate more local employment opportunities”, mensahe ni RD Ramos.