18.6 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Kauna-unahang Kidney Transplant Facility sa Cordillera pormal ng inilunsad

Pormal ng inilunsad ang kauna-unahang accredited Kidney Transplant Facility sa Cordillera para sa Philhealth Type Z Benefit Package (Php600,000) for kidney transplant na matatagpuan sa Cordillera Hospital of the Divine Grace (CHDG), Puguis, La Trinidad, Benguet nito lamang Miyerkules, Hunyo 2, 2022.

Ayon kay Dr. Virginia Biteng, Medical Director ng CHDG, simula Oktubre 2020 hanggang sa kasalukuyan ay umabot na sa 17 pasyente ang matagumpay na sumailalim sa kidney transplant.

Ayon pa kay Dr. Biteng, mas marami pa sana ang natulungan ng nasabing ospital para sa kidney transplant kung mas maagang naaprubahan ang kontrata sa pagitan nila ng Philhealth.

Ipinaliwanag din ni Dr. Biteng na ang maaari lamang makakuha ng Philhealth ay ang mga nai-refer sa Lorma Medical Center, San Fernando La Union na siyang pinakamalapit para sa naturang operasyon.

Dagdag pa ni Dr. Biteng, sa kasalukuyan ay marami pa rin ang nakapila para sa kidney transplant na talagang hinintay ang accreditation ng Philhealth.

Muli rin niyang ipinaalala na hindi lahat ng kidney patients ay makakakuha ng benepisyo mula sa Philhealth lalo na sa mayroong maraming komplikasyon.

Samantala, ang pagkaloob sa kontrata sa mga opisyales ng CHDG ay pinangasiwaan ng Philhealth Cordillera sa pangunguna ni Glenn Lamsis, OIC ng Health Care Delivery Management bilang kinatawan ni Regional Vice-President Dra. Dominga Gadgad.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles