Namahagi ng 853 bisikleta ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa ilalim ng kanilang proyekyong “FreeBis” o FreeBisikleta sa Rehiyon Uno nito lamang Linggo, Hunyo 3, 2022.
Ang mga bisikleta ng “FreeBis” ay ipinamahagi sa mga Displaced Workers sa Rehiyon 1 bilang parte ng pagdiriwang ng World Bicycle Day sa parehong araw, na kung saan itinampok ang bisikleta na isa sa alternatibong paraan ng transportasyon.
Ayon sa datos, mula taong 2021 ay may bilang na 791 bisikletang naipamahagi at ngayong Mayo 2022 ito ay umabot na sa kabuuang 853 ang bisikletang naipamahagi ng DOLE.
Ang project “FreeBis” ay isang uri ng livelihood assistance na may layuning bigyan ng alternatibong pagkakakitaan ang mga manggagawa na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya. Sa tulong ng mga bisikletang ito, maaari silang magsimula ng maliit na negosyo gaya ng pagtitinda at delivery service business.
Batid ng DOLE ang kagandahan ng paggamit ng bisikleta at kung paano ito makakatulong sa pag-unlad ng mga maliit na manggagawa kaya naman nabuo ang “FreeBis” project na isang bahagi ng DOLE Integrated Livelihood Program na umusbong sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Bukod sa bisikleta, nabigyan din ang bawat beneficiary ng helmet, kapote, water bottle, thermal bag at mobile phone na may Php5,000 na halaga Ng load.
Ayon kay Atty. Evelyn Ramos, Regional Director ng DOLE, hangad nila na matulungan ang mga displaced workers na bumangon at umunlad muli.
Hangarin ng DOLE Regional Office 1 na sa tulong ng mga bisikletang ipinamigay ay gugulong na muli ang masigla at masaganang kapalaran para sa mga manggagawa.
Source: DOLE Regional Office 1