Nakasagupaan ng 17th Infantry Battalion, Philippine Army ang higit 20 miyembro ng Communist Terrorist Group sa Sitio Paco, Barangay Aurora, Pudtol, Apayao nito lamang Hunyo 3, 2022.
Kinilala ng militar ang higit 20 miyembro ng CTG ay mula sa West Front Committee, Komiteng Probinsya Cagayan, at Komiteng Rehiyong Cagayan Valley na pinamunuan ni Edgar Bautista alyas “Ka Simoy”.
Ayon sa kampo ng militar, umabot sa 20 minuto ang palitan ng putok ng magkabilang grupo.
Maliban dito, nagsagawa din ng airstrike o bomb drop ang Philippine Air Force sa Sitio Magday, Upper Atok, Flora, Apayao laban sa nasabing teroristang grupo.
Walang naitalang patay o nasugatan sa kampo ng mga militar.
Samantala, nagsagawa naman ang mga militar ng clearing operation sa nasabing sitio para matukoy kung may namatay o nasugatan sa kampo ng ng mga terorista.
Mahigpit ang pagpapatupad ng checkpoint at manhunt operation ng militar at pulisya sa buong probinsya ng Apayao para sa agarang pagkahuli ng mga tumakas na rebelde.
Layunin nitong hikayating sumuko na sa gobyerno ang mga natitira pang rebelde para sa mas tahimik at maayos na pamumuhay kapiling ang pamilya.