Hinirang na iskolar ang isang Igorota ng Philippine Coast Guard-Philippine Merchant Marine Academy sa International Cadetship Program ng United States Coast Guard Academy (USCGA) Class 2026 noong Mayo 31, 2022.
Siya si Cadet Arlyn Bangsoy, tubong Sagada, Mountain Province, nakapagtapos sa XiJEN College ng Mountain Province at isang kadet iskolar ng PCG-PMMA.
Si Cadet Bangsoy ay isa sa tatlong mapalad na napiling makapag-aral bilang International Cadet at manumpa sa USCGA, New London, Connecticut, U.S.A. sa darating na Hunyo 24, 2022 kasama sina Cadet Ryella Allysa Florer at Cadet Alliane Matthew Dela Vega.
Ang PCG Cadetship Program ay isang bahagi ng Command’s Vision upang makapagpatayo ng isang first-class Cadet Corps at bilang panimula na rin para sa pagtatag ng PCG Academy sa hinaharap.
Samantala, kapag nagtapos naman ang mga nasabing kadete mula sa USCGA ay babalik sila sa PCG bilang mga Commissioned Officer at tuloy-tuloy na magseserbisyo ng hindi bababa sa walong taon.
Source: Wow-Cordillera