15.2 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Capitol Express Program ng Ilocos Norte pinag-ibayo ang serbisyo

Pinangunahan ni Gobernador Matthew Marcos Manotoc ang serye ng “Capitol Express,” na nagpapakita ng mas matibay na pangako ng Pamahalaang Panlalawigan ng Ilocos Norte (PGIN) sa pagkamit ng mas magandang kinabukasan para sa bawat pamilyang Ilokano nito lamang Mayo 31, 2022.

Ayon kay Gobernador Marcos Manotoc, ang Micro, Small, at Medium Enterprises Office ng PGIN ay namahagi ng tulong pinansyal o pagbibigay ng perang puhunan at mga produkto sa mga lokal na negosyante at mga may-ari ng “sari-sari” store sa lalawigan ng Ilocos Norte.

Sa katunayan, noong Mayo 26, 2022, si Gov. Marcos Manotoc, kasama ang mga front line office ng PGIN, ay nagdala ng iba’t ibang serbisyo ng gobyerno sa mga munisipalidad ng Pagudpud, Bangui, Nueva Era, at Marcos.

Si Gov. Marcos Manotoc, na kamakailan ay muling nahalal na Gobernador na may napakalaking tagumpay ay makapagbibigay na naman ng tulong para sa kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng pagpapalawak ng mga oportunidad sa trabaho.

Ang “CapEx” ay palaging “blackbuster” na programa ng PGIN na pinakikinabangan ng daan-daang libong Ilokano at maraming sektor taon-taon.

Noong 2019, ang programa ay na-institutionalize ng Provincial Board at na-streamline upang madagdagan ang line-up ng mga serbisyo at bigyang prayoridad ang mga barangay sa malalayong komunidad.

Samantala, pinangunahan ng Provincial Health Office ang mga konsultasyon sa kalusugan, pamamahagi ng mga kagamitang medikal, at mga serbisyo sa pagbabakuna para sa COVID-19.

Bukod dito, ipinagkaloob naman sa iba’t ibang “zanjera” at grupo ng mga magsasaka ang tulong pinansyal at food packs. Source: PGIN Communications & Media Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles