Patay sa engkwentro sa pagitan ng 54th Infantry Battalion at Communist Terrorist Group ang isang miyembro nito partikular na sa Weakened Guerilla Front-AMPIS sa Sitio Binangyuyaw, Brgy. Namal, Asipulo, Ifugao, nito lamang Linggo, Mayo 29, 2022.
Ayon sa ulat, ang mga nasabing sundalo ay nagsagawa ng pursuit operation laban sa WGF-AMPIS kung saan ang bakbakan ay tumagal ng humigit kumulang limang minuto na nagresulta sa pagkamatay ng nasabing miyembro nito.
Bukod pa rito, narekober din ng mga sundalo ang isang M16A2 rifle na diumano iniwan ng mga miyembro ng CTG na nagmamadaling tumakas mula sa kanilang grupo.
Bago pa mangyari ang nasabing engkwentro, dalawang magkasunod na bakbakan na ang naganap laban sa mga tropa ng kasundaluhan at WGF-AMPIS sa magkakaibang sitio ng Brgy. Namal noong Mayo 23 at 24, 2022 na kung saan isang CTG member naman ang kanilang tinulungan na kinilalang si alyas Junel, ang Vice Commanding Officer ng nasabing teroristang grupo na inabandona ng kanyang mga kasamahan.
Sa kabutihang palad ay nailigtas siya ng mga tropa ng 54IB at dinala sa isang ospital para sa kaukulang medikasyon.
Kasalukuyan pang inaalam ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng namatay na WGF-AMPIS member. Samantala, nananawagan naman ang otoridad sa mga natitirang mga miyembro ng kaliwang grupo na sumuko at magbalik-loob na sa gobyerno.
“Do not wait for your turn to be abandoned by your comrades or to become a sacrificial lamb of the CTGs. You deserve a better and comfortable living with your families and loved ones”, pahayag ni Lieutenant Colonel Franz Joseph S Diamente, Commander ng 54IB.
https://m.facebook.com/5idstartroopers/posts/384653100375090?d=m