Sumuko sa gobyerno ang isang dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Cabanatuan City, Nueva Ecija nito lamang ika-27 ng Mayo 2022.
Kinilala ang sumuko na si Ka Albert, dating political instructor ng CPP-NPA-NDF sa ilalim ng Platoon Kaw-Kaw mula sa Butuan City, Agusan Del Norte mula 2016-2018.
Si Ka Albert ay umanib sa teroristang grupo noong ika-16 ng Pebrero, 2010 na kung saan siya’y dalawamput isang taon gulang pa lamang.
Sumuko si Ka Albert sa kapulisan ng Cabanatuan City Police Station, Provincial Intelligence Unit ng Nueva Ecija, 91st at 84th Infantry Battalion, Philippine Army.
Isinuko din ni Ka Albert ang 45 kalibre ng baril, dalawang (2) magazine, labing-anim na bala ng baril at M26 Fragmentation Grenade.
Si Ka Albert ay sasailalim sa debriefing at pagkakalap ng mga impormasyon na makakatulong sa mga gagawin pang operasyon ng gobyerno.
Layunin nitong ipaabot ang mga programa ng gobyerno para sa pagkakataong mabago ang buhay kapiling ang pamilya at tuluyang talikuran ang maling idelohiya ng makakaliwang grupo.