14.5 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Mahigit 130 pamilya naging benepisyaryo ng Electrification Program ng Gobyerno sa Pangasinan

Mahigit 130 pamilya ang naghandugan ng libreng pagpapakabit ng ilaw mula gobyerno sa bayan ng San Nicolas, Pangasinan nitong Huwebes, Mayo 26, 2022.

Sa ilalim ng electrification program, ang mga benepisyaryo ay walang babayaran para sa pagpapakabit ng kuryente kasama nito ang kilowatt meter, drop wires, outlets at mga materyales sa pag-install o pagpapakabit.

Ayon kay Mayor Alicia Primicias-Enriquez, ang programa ay nakatuon sa mga pamilya na nasa mga liblib na lugar upang magkaroon ng pribilehiyong magkailaw ang kanilang mga tahanan at kalsada para mapaganda at mapanatili ang seguridad lalo na sa panahon ng sakuna o kalamidad.

Dagdag pa ni Enriquez na ang nasabing proyekto ay napunduhan na ng lokal na pamahalaan at mayroong 410 pamilya na ang nahandugan nito mula pa taong 2019, sa pakikipag-ugnayan na rin sa Pangasinan III Electric Cooperative (PANELCO III).

Hinikayat at inanyayahan din niya ang mga residente sa bayan ng San Nicolas na nais ding makakuha at mapasama sa nasabing programa na magsumite lamang ng mga kailangang dokumento sa kanyang opisina kung saan magkakaroon ng pagpili o screening para sa mas mga nangangailangang aplikante.

Source:  PIA Pangasinan 1

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles