Patuloy ang pagsasagawa ng artificial insemination ng Local Government Unit ng Tarlac para sa mga kalabaw at baka sa Lungsod ng Tarlac, nito lamang ika-26 ng Mayo 2022.
Nilibot ng City Veterinary Office ng Tarlac ang bawat barangay sa lungsod upang isagawa ang naturang programa para sa mga alagang kalabaw at baka ng mga residente.
Katuwang sa nasabing aktibidad ang Philippine Carabao Center – Central Luzon State University kung saan layunin ng artificial insemination na mapabuti ang kalidad, at kalusugan ng mga baka, kalabaw at iba pang mga hayop sa bukid.
Ang mga libreng semilya na ibibigay ng PCC ay mula sa mga purong lahi ng mga gatasang kalabaw at pangkarneng baka. Ito ay lubos na makakatulong sa mga magsasaka upang mas maparami ang produksyon at mapaganda ang lahi ng mga alagang kalabaw at baka sa Lungsod ng Tarlac.
Patuloy ang mga isinagawang programa ng lungsod ng Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno upang mas mapabuti ang kabuhayan ng mga mamamayan na naninirahan dito.