Tumanggap ng tulong pinansyal mula sa Department of Social Welfare and Development Field Office 1 ang 20 dating miyembro ng Underground Mass Organization (UGMO) mula sa Sta. Lucia, Ilocos Sur nito lamang Linggo, Mayo 22, 2022.
Sa pakikipag-ugnayan ng Armed Forces of the Philippines sa DSWD Field Office 1 sa ilalim ng kanilang Sustainable Livelihood Program, sila ay nabahagian ng kapital para sa kanilang mga napiling negosyo.
Lubos na nagpapasalamat ang mga dating rebelde dahil sa kanilang natatanggap na tulong mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno kahit pa sila ay nagkasala sa pamahalaan ay hindi pa rin sila pinabayaan.
Tuloy-tuloy ang pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya ng National at Local Government para tulungang makabangon muli ang mga nagbalik-loob sa pamahalaan at hikayatin ang mga iba na bumaba sa kabundukan.
Source: DSWD Field Office 1
https://www.facebook.com/100067350288950/posts/334582485463425/