18.6 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Silipin at bisitahin ang “Sea of Clouds” ng Nueva Vizcaya

Maraming turista ang dumarayo sa Binuangan, Dupax del Norte upang masilip at masaksihan ang nakamamanghang tanawin ng mga ulap na nakapalibot sa mga bundok rito o mas kilala sa tawag na “Sea of Clouds”.

Kailangang gumising ng maaga upang masaksihan ang napakagandang mga ulap at para makuhanan ito ng larawan na talaga namang dapat ipost sa social media nang masilayan at kamanghaan ng inyong mga kapamilya at kaibigan.

Matatagpuan naman sa Kilometer Post 0466 sa kahabaan ng National Highway ang pinakamagandang spot para masaksihan ang tanyag na “Sea of Clouds” rito.

Sa kwento ng mga bumisita na rito, ang “dagat ng mga ulap” ay isang pambihirang tanawin na lumilitaw lamang pagkatapos ng malakas na buhos ng ulan sa hapon o sa gabi kung saan masisilayan lamang sa loob ng ilang oras bago sumikat ang araw.

Hinihikayat naman ng mga lokal na residente ang mga turista na panatilihin ang kalinisan ng lugar.

Source: ABS CBN https://news.abs-cbn.com/life/10/06/19/sea-of-clouds-in-nueva-vizcaya-draws-large-crowd

Photos are from Nueva Vizcaya Tourism FB page; Abs Cbn News

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles