Personal na dumalo at binigyang-dangal ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Commencement Exercises ng Philippine Military Academy (PMA) Bagong Sibol sa Kinabukasan Didigma Hanggang sa Wakas’ (BAGSIK DIWA) Class of 2022, sa Fort General Gregorio H. Del Pilar, Baguio City nitong Linggo, Mayo 15, 2022.
Pinangunahan din ng pangulo ang awarding ceremony para sa 214 kadete na nagsipagtapos na binubuo ng 165 na lalaki at 49 na babae.
Ang nasabing mga kadete ay itatalaga sa tatlong sangay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung saan 104 ang mapupunta sa Philippine Army (PA), 57 sa Philippine Navy (PN), at 53 naman sa Philippine Air Force (PAF).
Samantala, itinanghal naman bilang Class Valedictorian si Cadet First Class (CDT 1CL) Krystlenn Ivany Quemado na tubong Koronadal City, South Cotabato na siyang nakatanggap ng Presidential Saber Award mula sa Commander-in-Chief.
Inaasahang ito ang magiging huling pagdalo ni Pangulong Duterte sa PMA Commencement Exercises dahil nakatakdang magtatapos ang kanyang termino ng panunungkulan sa Hunyo 30, 2022.