13.9 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

“Baki”, isang tradisyonal na ritwal ng mga Ifugao

Kilala ang mga Ifugao na mayaman sa iba’t ibang kultura at tradisyon kung saan hanggang sa kasalukuyan ay pinapahalagahan nila ang ilang mga turo na ipinasa sa kanila ng kanilang mga ninuno.

Isa na nga rito ang “Baki” na isang tradisyunal na ritwal na ginagawa ng isang “munbaki” o ritual performer na kadalasan ay isang lalaki.

Ang munbaki ay hindi tumatanggap ng bayad para sa kanyang pagganap subalit sa mga gustong magbigay ng bayad ay nasa kanya na kung tatanggapin niya ito.

Bagama’t ang “Baki” ay hindi na ginagawa ng karamihan dahil sa paglaganap ng kristiyanismo sa bayan, may mga okasyon pa rin na ginagawa ito ng mangilan-ngilan gaya na lamang ng pagbibigay ng pasasalamat matapos ang masaganang ani, pagtitipon-tipon, “home coming” at iba pang okasyon ng pasasalamat.

Layunin ng ritwal na ito na pahupain ang “aamod” o ang mga espiritu ng ninuno at ang mga Diyos.

Bukod pa rito, naniniwala rin sila kay “Maknongan”, isang supreme supernatural na nilalang na pinaniniwalaan nilang Diyos.

Pinaniniwalaan rin nila na may kapangyarihan itong pagpalain at protektahan ang mga tao at itaboy ang kasamaan na nakapagdudulot ng mga sakit at masasamang sumpa mula sa isang kaaway.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles