23.7 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

“Opdas Cave” pinakamalaking burial cave ng Kabayan, Benguet

Matatagpuan sa Kabayan, Benguet ang itinuturing na isa sa pinakamalaking burial cave ng nasabing bayan, ang Opdas Cave.

Ang Opdas Cave na 300 metro ang layo mula sa munisipyo ng Kabayan, Benguet ay pinaglalagakan ng patung-patong na bungo at mga buto na maayos na nakalagay sa mga “ungos” na kahalintulad ng mga catacomb sa Roma.

Tinatayang may 500 hanggang 1000 taong gulang na ang mga kalansay sa nasabing kweba na isa sa pinakamalaking libingan na naglalaman ng daan-daang bungo, libu-libong buto at ilang kabaong na nakalatag sa sahig ng kuweba.

Ito ay bunga ng sinimulan at isinasagawang mummification noon ng mga katutubong Ibaloi kung saan hangga’t maaari, ilang sandali bago mamatay ang isang tao, ito ay dumadaan sa proseso at bilang panimula ay lumulunok ng napakaalat na inumin.

Matapos mamatay, ang katawan ay hinuhugasan at pinapaupo sa isang upuan na isinasalang sa apoy. Hindi upang sunugin ang katawan ngunit upang matuyo ang mga likido sa pamamagitan ng pagsalang nito sa apoy.

Sumunod ay hinihipan ng usok ng tabako ang bibig ng tao upang matuyo ang loob ng katawan at mga laman-loob. Bilang pagtatapos, pinapahiran ng damo ang katawan ng mga namatay.

Ang proseso ng pagpapatuyo ay tumatagal ng maraming linggo at marahil ilang buwan bago matapos ang mummification. Pagkatapos ng masinsinang proseso ay dinadala ito sa isang kuweba upang ilibing.

Source: http://www.traveltothephilippines.info/2012/01/27/opdas-cave-in-benguet/

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles